Issue No.: 30
Mga Natatanging Inspirasyon
Manatiling Maingat at Mahinahon
Isinalin ni Nyanza Nakar
  
Ang bawat bagay na ating iniisip ay maghahatid sa pagbuo ng ating karma. Samakatwid, dapat tayong manatiling maingat, tahakin ang gitnang daan, at huwag magpapatangay sa masasamang iniisip, upang sa gayon ay nasa tamang daan tayo ng paghubog sa sarili.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang kapanatagan dahil kulang sila ng kahinahunan. Ang ugat ng suliranin ay nakasalalay sa isipan. Kung payapa ang isipan, magkakaroon ng kapayapaan at kasiyahan, at wala ng kaguluhan sa lipunan.

Dapat maging maingat ang bawat isa sa lahat ng oras, at higit ang mga Budista; dahil ang bawat ideya na pumapasok sa isipan ay may katumbas na karma. Kung masama ang iniisip, negatibong karma rin ang magiging resulta. Samakatwid, malinaw na kailangan nating maging maingat. Ang mahinahon at maayos na isipan ay nangangahulugan ng buhay na malaya sa dalamhati at suliranin.

Isang pokus na isipan
Kailangang maging pokus ang ating isipan, maging sa paglalakad, pag-upo at pagtulog. Isang pagkakataon, nakakita ako ng balisang babae sa labas ng intensive care ward ng ospital. Ang kanyang asawa ay nadulas sa basang sahig. Nagkaroon ng pagdurugo sa loob ng kanyang utak hanggang sa naging comatose, na nagdulot ng labis na pagdurusa sa kanyang magbahay. Ang pangyayaring ito ay sumasalamin sa kawalan ng pag-iingat habang naglalakad.

Ang bagay na ito ay katulad din sa pag-upo. Dapat umuupo tayo nang maayos, ngunit ang ibang tao ay hindi ito nagagawa nang mabuti dahil inaantok o may malalim na iniisip. Ang meditasyon ng mga Budista ay naglalayong maging payapa at pokus ang isipan; at upang maging kaisa nito ang katawan. Upang matamo ito, kailangang tuwid ang katawan sa pag-upo, at pokus ang isipan.

Katulad sa pagtulog, kung nababagabag ang isipan, nakapahirap din kahit nakahiga maliban sa pagpapaantok. Isang medical volunteer ang nag-ugnay ng isang kaso ng batang babae na comatose sa loob ng mahigit isang buwan sa Tzu Chi Hospital ward. Ang kanyang coma ay sanhi ng pagkabagok ng ulo nang nahulog siya sa higaan dahil palipat-lipat ng pwesto.

Samakatwid, napakahalaga ng pagkakaroon ng payapang isipan. Kailangang maging mahinahon ang mga tao lalo na ang kasapi ng mga samahang panrelihiyon. Ang ating sariling isipan ay dapat pangalagaang mabuti bago natin magawang mahalin at pahalagahan ang ating kapwa.

Nakapaligid ang pagmamahal
Ang ating isipan ay madaling naaapektuhan ng mga pangyayari sa paligid. Naggawa ng tao na maghambing at makipagtagisan sa ibang tao para sa anumang bagay. Ang walang katapusang pakikipaglaban ay hindi maitatangging maghahatid sa tao ng kawalan ng direksyon at mga pangamba.

Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang magmahal, ngunit mahalaga na katamtaman lamang upang maipagkaloob ito nang tama. Ang pagpapalaki sa layaw ng isang anak nang may pagmamahal ay magkakamit ng kaguluhan. May mga magulang na pinalalaki ang kanilang mga anak sa layaw, ipinagkakaloob sa kanila ang lahat ng luho at kagustuhan.

Ang mga batang ito ay sasamantalahin lamang ang pagmamahal ng kanilang mga magulang, at hindi matututong tumanaw ng utang na loob.

May mag-asawa na mayroong isang anak na lalaki na binigyan nila ng buong pansin. Madalas nagtatalo ang mag-asawa dahil hindi sila nagkakaisa sa pananaw tungkol sa paraan ng tamang pagpapalaki sa kanilang anak na lalaki.

Dahil nais ng ama na manguna sa akademiko ang kanyang anak na lalaki, nakahanda siyang pagbigyan ang mga kahilingan nito kapag matataas ang marka nito. Ang ina, sa kabilang banda, ay nakahandang magsakripisyo sa anumang paraan dahil masunurin ang bata.

Ang anak na lalaki ay nasanay na lagging tinutupad ang kanyang kahilingan at pinagsisilbihan kaya’t sinasamantala lang niya ang kanyang mga magulang. Kalaunan, siya’y naging papalo at laki sa layaw.

Hindi siya nakikihalubilo sa kanyang mga kaklase, kaya’t umuuwi na lang siya ng bahay pagkatapos ng klase dahil siya ang nasusunod sa kanilang tahanan. Ito’y nakababahalang kalagayan at mapapaisip ang isang tao kung paano siya makikipamuhay sa lipunan kung siya’y lumaki na.

Kailangang nakapaligid lamang ang pagmamahal ng isang tao, at ituring ang lahat ng kabataan na tulad ng sariling anak. Kapag hindi natin nahihigitan ang pagmamahal, hindi natin mapapalaki sa layaw ang ating mga anak nang dahil sa ngalan ng pagmamahal.

Panatilihin ang kahinahunan sa pagmamahal
Binanggit ni Buddha na: Maging mahinahon, tahakin ang gitnang landas. Isang halimbawa ang kanyang ibinigay tungkol sa ibig niyang iparating. May isang tao na bumisita sa bahay ng kaibigan. Masaya ang binisita dahil nagkita sila ng kaibigan. Para sa munting salu-salo, naghanda ang binisita ng maraming pagkain. Ngunit, nakalimutan niyang lagyan ng asin ang mga pagkain kaya’t tila walang lasa ang mga ito.

Pagkatapos malaman ang kanyang pagkakamali, agad na nilagyan ng asin ng binisita ang lahat ng pagkain, at naging malasa ang mga ito. Naisip na lamang ng panauhin na “ kung ang kaunting asin ay makapagbibigay ng lasa sa pagkain, mas magiging maganda kung mas maraming asin ang gagamitin; at kung kakainin ko ang asin lamang, masarap din ang lasa nito!”

Nang nakauwi na ang bumisita sa kanyang bahay, dumiretso siya sa kusina at ibinuhos niya sa kanyang bunganga ang lahat ng asin sa lagayan. Batid na nating lahat ang resulta nito! Alam ng lahat na ang asin ay ginagamit bilang pampalasa sa pagkain ngunit kailangang sapat lang ang ilalagay, Ito’y nagpapakilala ng paraan ng pakikitungo sa tao at sa mga tungkulin sa buhay. Dapat nating tahakin ang gitnang landas para sa lahat ng pakikibaka sa buhay. Nangangahulugan ito na kailangan nating madalas na suriin ang ating isipan, iwasan ang mga kahibangan at maging mapagmalasakit. Ang mahinahong pagmumuhay ay susi upang matamo ang lubos na kaligayahan.