Issue No.: 23
Mga Natatanging Inspirasyon
Still Thoughts Cartoon Ni Dharma Master Cheng Yen
Salin ni Nyanza Nakar
  
Ang sabi ni Buddha:
Ang mabangong puno ng sandlewood ay hindi maaaring lumago
sa gubat ng nakalalasong halamang castor.
Ang pananampalataya kay Buddha ay hindi lalago sa pusong
nababalot ng pangamba.

Ang tinatawag na “pangamba” ay hindi nakasalalay sa bagay na mayroon ka, bagkus nasa sariling pag-uugali.

Kung kuntento ka na sa mga bagay na tinatamasa mo, mamumuhay ka nang walang pangamba.

Ano ang kahalagahan ng pangkat na gumagawa ng ritwal sa Budismo?

Kapag sumasali tayo sa mga pangkat na nagri-ritwal, huwag nating isiping aani tayo ng kabutihan mula lamang sa pag-awit at pagsamba. Ang saysay ng ritwal ay upang ilabas ang dalisay na kabutihan sa ating mga puso. Tunay na makakamit natin ang pagpapala at maiiwasan ang mga kasawiang-palad sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang tao.