 | Ang sabi ni Buddha:
Ang kasakiman ay mahirap bigyan ng kasiyahan,
tulad ng isang ilog na nahihirapang mapunan ang karagatan.
Ang mga karagatan ay maaaring malagyan ng mga dumi at bato hanggang sa tuluyang matuyo, ngunit ang maliliit na butas sa ilalim ng iyong ilong – ang iyong bibig- ay hindi kailanman mapupuno.
Master, sa mga panahon na lumilikom ka ng donasyon para sa pagpapatayo ng isang ospital, isang Hapon ang lumapit sa iyo upang magbigay ng $200 milyon. Ngunit bakit mo tinanggihan ang donasyon? Bakit ganoon kalakas ang iyong loob na tumanggi sa pagkakataong iyon?
“Hindi ko hinahangad na makapagtayo ng ospital mula sa inipon na salaping kontribusyon lamang bagkus sa pamamagitan ng pagmamahal ng maraming tao.”
“Kung tatanggapin ko ang ganoong kalaking halaga, ang totoo’y agad tayong makapagtatayo ng ospital ngunit mapapalampas nito ang pagkakataoan para sa napakaraming tao na nais ipamalas ang kanilang pagmamalasakit sa pamamgitan ng kanilang donasyon. Iyon ang dahilan kaya’t tinanggihan kong tanggapin ang mabuting hangarin ng Hapon.” |