 | Q: Masayahin akong tao subalit may tinik sa aking puso. Hindi ko kayang mapatawad ang isang taong hindi naging tapat sa akin. Paano ko pakikisamahan ang isang taong hindi seryoso sa pakikisama?
A: Sa kabila ng tinik sa iyong puso, masayahing tao ka pa rin. Hindi ito madali dahil hindi mo kayang patawarin ang isang taong hindi naging tapat sa iyo. Nangangahulugan itong hindi ka marunong magpatawad at magbigay. Samakatwid, hindi ka rin marunong magparaya. Ang kabalintunaan lamang ay masayahing tao ka pa rin. Kung hindi kaya ng isang tao na maging seryoso sa pakikisama, maaaring nangangahulugan na kayong dalawa ay walang tinadhanang ugnayan o ‘ karmic affinity’. Sa ganitong katayuan, bakit kinakailangang maging seryoso tungkol dito.” Kung ang “hindi pagiging seryoso” ay tumutukoy sa “hindi pagiging mapanuri,” ito ay mainam. Sa kabilang banda, kung madalas na hindi nagbibigay ng pagpapahalaga at nagiging pabaya, ito ay negatibong katangian. Kapag nahaharap sa mabuting samahan, harapin ito ng bukas-palad. Samantala, kapag nahaharap sa hindi kanais-nais na samahan, gamitin ito bilang babala o paalala. Matutong makisama sa ibang tao. |